Trip To Boracay

Share

As early as 2005 we already planned to visit Boracay Island but I don’t know why every time we planned to visit Boracay hindi natutuloy.  Finally today natuloy din, our original plan is to go to Kalibo Aklan to attend the yearly celebration of Ati-atihan festival. But I change my mind when I learned that it cost me 8,000 – 11,000 per night for the hotel accommodation.  I decided that instead of staying at Kalibo sa Boracay nalang kami mag stay mas mura ang per night which cost us 12K for 4 nights I guess.

Early today kami umalis ng Balanga Bataan, dumating kami ng Pasay City around 10 AM. Pagbaba namin sa bus stop may mga naka abang nang taxi, sumakay naman kami agad to my surprise they are charging 700 pesos from Edsa to Terminal 3 of Domestic Airport. Grabe sobrang garapal ang mga taxi driver dito.

Mga 11:00 AM we arrived at domestic airport terminal 3, first time ko dito kaya diko paalam ano gagawin, buti nalang si misis ko magaling magtanong kaya yun nakaraus din sa mga kung ano anong ka ek-ekan sa airport. Around 11:30 umalis na kami sa Airport papuntang Catiklan Airport. BTW Cebu Pacific yung sinakyan naming plane.

12:45 na yata kami dumating ng Caticlan, medyo magulo sa pagkuha ng mga kargada sa Caticlan Airport. Kasi wala silang machine so ikaw bahala maghanap nung karga mo sa mga patong patong na mga maleta at bags.

Ito na yung medyo hassle bago ka makarating ng Boracay, which most of those who already goes to Boracay didn’t mentioned. You need to pay for Tri-cycle, Environmental Fee, Terminal Fee, Boat Fee umabot din ng tig 500 pesos yata kami ni misis sa lahat ng mga binayaran namin bago kami makarating ng Hotel.

At around 1:45 dumating kami dito sa Boracay Holilday Hotel, magiliw naman yung kanilang mga tao dito sa hotel. Hindi ganun kagandahan ang rooms nila pero okey narin.

2 thoughts on “Trip To Boracay

Leave a Reply