Tag Archives: kairukan falls

Treckking And Minor Climb To Kairukan Falls Morong

Share

This is my first climb to a newly found hobby, to be honest I really feel so tired while walking to our destination Kairukan Falls. I woke up at around 4:00 AM to prepare all my things because our meet up is 4:30 AM at Balanga Common Terminal. Around 4:30 AM we leave Balanga Common Terminal and proceed to Balanga Public Market to buy our foods, after buying some foods to cook.

Around 7 AM na siguro nung dumatin kami sa dating Bataan Refugee Camp sa Morong where we leave our Car. From there naglakad kami ng about 30-40 minutes siguro patungo sa Baryo ng mga Aeta to get our guide. We need guide kasi medyo mahirap masundan yung daan papunta sa Kairukan Falls marami kasing sanga-sanga yung mga daan.

We hired 2 guide enough lang kasi 6 kami na aakyat, at start medyo okey yung lakad, pero habang pataas ng pataas yung nilalakad namin medyo nakaka pagod na at masakit na sa binti, what do you expect 5 of us are all in computer related jobs and business, we sit in front of our computer not less than 8 hours a day. Ako siguro mga 14 hours na pinaka mababang time na naka upo ako sa harap ng computer everyday and I start this routine since 2005.

Nung nasa 1/4 na siguro kami nung climb isa sa kasama namin nagsabing dina nya talaga kayang tumuloy else he may collapse on the way, so we instructed one of our guide na samahan nalang muna sya pababa at ihatid sa Baryo at dun nalang kami hintayin mamayang hapon.

After 1 and half hour of walk from the baryo umabot na kami sa first stop or pahinga, grabe lawit mga dila sa sobrang pagod ang tarik ng inakyat namin. Sabi nung batang guide namin nasa kalahati na daw kami at puro pababa na yung lalakarin namin papunta dun sa Falls kaya natuwa kaming lahat.

After 20 minutes of rest siguro at kunting texting to update yung mga tao sa baba, tumuloy na kami, totoo nga yung sabi nung bata pababa na, pabulusok kaya mahirap parin kasi kailangan mong pigilan yung katawan mo kundi mag tuloy tuloy ka sa bangil. Sa tindi nung daan pababa bumigay yung shoes ko, biglang ngumiti na tuklap na pala yung swelas nya kaya yun tali to the rescue :).

After 2 1/2 hours of walk finally we reach the Kairukan Falls, sarap ng pakiramdam sa sobrang init at pagod ko diretso na ako sa falls at naligo. While others preparing our lunch ako naman nag bababad na sa falls, ang sarap ng tubig sobrang lamig parang may yellow yung tubig pero sarap ng pakiramdam. Taas nung falls estimate ko nasa 150 feet siguro kaya kapag nasa ilalim ka nito lakas ng bagsak medyo masakit pero masarap.

After 20 minutes ko sigurong nakababad nag aya na yung mga kasama ko na mag shot daw kami, kasi may baon kaming isang Alfonso Brandy, tamang tama medyo gininaw na ako kaya shot muna, while waiting our lunch which is sinigang na baboy, inihaw na tilpya at 2 inihaw ng labuyo, nabili namin yung labuyo dun sa dalawang mangangasong nasalubong namin sa daan.

Mga 12:30 na rin siguro nung maka luto na ng foods namin, it’s chow time, kainan na kanya kanya na ng puesto, sarap talagang kumain sa tabi ng falls. Ang sarap ng inihaw na tilapya at yung sabaw ng sinigang the best talaga si sir abet magluto. Yung labuyo naman masarap sya kaya lang sobrang kunat kapag kinagat mo kailangan puersado ka… ang sarap nya kaya lang talagang makunat ang sarap ng karne nya malasang malasa talaga. Nakalimutan kasi naming pakuluan muna before iihaw kaya yun pero masarap parin ang kainan.

After kainan, liguan na ulit, parang mga batang nag aagawan sa ilalim ng falls, malawak din yung binabagsakan ng falls at malalim kaya masarap din lumangoy langoy.

After 1 hour na ligo , langoy langoy, at picture we decided to go na, mahirap na baka gabihin kami sa daan ang tataas pa naman ng mga puno for sure madilim at baka nakaka ligaw.

Heto na ang real hirap, this is the time I realized that yong tuwa namin nung pababa kami sa lugar na ito ay sobrang pahirap pala pag balik na. Grabe naninigas ang hita ko sa lakad namin pa akyat kasi matarik talaga yung daan siguro after 15 – 20 hakbang nagpapahinga kami :).  Siguro umabot din ng 2 1/2 hours lakad nami bago kami umabot sa baryo kung saan nandun na yung isang kasama namin nag aantay.

Ayon lang napahaba na masyado kwento ko :) ,  I enjoy my first experienced in trekking. Mga 6PM na siguro kami naka uwi ng Balanga.

Side note :) kina umagahan nag SM pa ako pero kinagabihan yun na naramdaman ko na sakit ng katawan ko, hirap na hirap akong umakyat sa hagdan namin hahahaha….

Heto si nike ko, nakalimutan ko ilagay sa taas eh… walang kwenta , walang tibay. Papunta pa lang kami sa destinisyon namin lawit na dila nya :D.